Narinig mo na ba ang salitang lumbay??
Ang lumbay ay kasingkahulugan ng kalungkutan.
Ito ay salitang tagalog nakalimitan lamang ginagamit ng mga tao
sa kadahilanan na nasanay tayo sa mga hiram na salita na ating ginagamit.
Lumbay o lungkot ang salitang sumasalarawan sa ating damdaming kungsaan nakakaramdam tayo ng sakit, panibugho, pagkainis, walang gana at panghihinayang sa mga bagay na ginagawa natin. marami tayong ikinalulungkot sa buhay maaring dahil sa pagkawa lng ating mga mahal sa buhay, pagkakaron ng kaaway o kaya naman ay pagbagsak sa isang klase. Mahirap man itong tanggapin sa huli matutunan rin natin itong kalimutan at muling makabangon muli. Sa buhay marami na akong pinghinayangan at pinaglagpas na magagandang pagkakataon dahil mas inuna ko ang pagiging malungkot at piniling magisa. Inaamin ko na sa aking sarili na hindi ako kasing husay ng iba, maganda tulad ng iba o kaya ay matalino.... Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ba ako nababagay at kung ano ang mga gusto at ayaw kong gawin. Hanggang sa ngayon wala parin akong ideya. Madalas akong malungkot at magisip ng mga negatibong bagay, tingin ko nga isa na yun sa pampalipas ko ng oras. Tingin ko kasi masyadong maraming ginagawa ang lahat para bigyan ako nang atensiyon kung kaya mas madalas nanahimik na lamang ako, kahit na sa totoo lang marami akong nais itanong at ikwento. ganun talaga siguro ang buhay noh.... Kailangan mo rin magisa upang matuto kang mamuhay at tumayo sa iyonh sariling paa. Madalas ko ngang itanong sa sarili ko bakit, ba ako nagaaral, dahil ba kailangan ko yun para magkaroon ng magandang kinabukasan o para lang sa aking magulang upang sila ay matuwa at masabing ako ay isang mabuting anak? Ano pa ba?? Hayz hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Ang dami ko nang nasabi pero ang isang dahialn lang naman ay ang isang pagsususlit sa logic circuits na hindi ko talga nasagutan ng tama at maayos kung kaya ngayon, na nagamba na ako nang sobra dahil sa ibang seksyon pa ako na padpad. Natatakot ako na hindi ako makasurvive at nakakapanghinayang talaga ang lahat, oras, pera, pagaaral mo sa leksyon na yun kung yun lang din ang mangyayari. Alam kong masyado pang maaga para sabihin yun pero yun ang nakikita kong mangyayari sa hinaharap kung di ko pagbubutihan ng maigi. Hindi ko alam kung bakit, Apat na taon na ako sa bokasyong ito ngunit, datapwa't subalit ayoko pa rin sa kanya, inaamin ko rin na hindi ko gusto ang matematika ngunit kakambal na ito ng aking pagaaral, anu pa nga ba ang magagawa ko kundi tanggapin at gampanan ng maluwag sa aking puso't isipan ang aking obligasyon bilang estudyante upang sa ikakaligaya ng aking butihing magulang at kapatid.. Naway bigyan sana ako nang maykapal ng isang daan na makakapagbigay tulong na maabot ko ang aking minimithing makataposa ng aking pagaaral sa itinakdang panahon at oras....Ikinagalak kung maramdam muli ang damdaming ito dahil pinalalakas nito ang aking pagnanasang magtagumpay, di susuko sa anumang balakit na nagbabayang dumating........